
INGREDIENTS:
2 cup macaroni
1 small carrot
1 small repolyo
1 tbsp margarine
250grams chicken beast
4 cloves garlic
1 medium white onion
Mantika for sauteing
Paminta to taste
7 to 8 cups water (sabaw)
1 pc. Chicken broth cube
Patis to taste
3 to 5 pcs hotdog
370ml evaporated milk
Nilagang itlog ng pugo (optional)
PROCEDURE:
Sa version na ito, niluto ko ng 5 minutes or half cooked ang macaroni sa tubig na may kaunting asin. Ito ay para di masyado masipsip ng macaroni ang sabaw ng sopas. Saka set aside muna.
- Magpainit ng mantika sa kaserola. Igisa ang bawang at sibuyas. Saka isunod ang manok. Lagyan ng kaunting patis at paminta. Igisa hanggang sa magbago ang kulay ng manok. Saka ilagay ang margarine at hayaang matunaw.
- Pag okay na, saka maglagay ng chicken broth cube at tubig pang sabaw. Pakuluin ang sabaw.
- Pag kumukulo na ang sabaw, ilagay na ang carrot. Lutuin ng 2 to 3 minutes. Tikman ang sabaw, maglagay ng patis kung kulang sa alat. Saka ilagay ang macaroni, repolyo at hotdog. Lutuin lang ng mga 2 minutes. Then, turn off na ang apoy. Saka ilagay ang evaporated milk habang hinahalo. Tine-turn off ko na ang apoy bago ilagay ang gatas para di magbuo-buo.
- Lastly, maglagay na ng nilagang itlog (optional)
Ang maganda sa version na ito, kahit lumamig na ang sopas, marami pa rin itong sabaw at creamy ang sabaw nia.