GARLIC BUTTERED SHRIMP WITH SWEET CORN

INGREDIENTS:
1 kilong hipon
1/2 cup butter
2 buong bawang
2 tablespoon tomato paste
4 tablespoon oyster sauce
1/2 cup sprite (o 7up)
Asin at paminta pampalasa
Nilagang mais (sweet corn)

PROCEDURE:
1. Linisin ang hipon. Alisin ang sungot at bituk@ sa likod nito gamit ang toothpick. Then hugasan mabuti.

2. Sa isang kawali, tunawin ang butter. Igisa dito ang bawang hanggang sa bumango at maging light brown. Then, saka ilagay ang hipon. Igisa hanggang sa magbago ito ng kulay. Pag nagkulay orange na ang hipon, alisin muna sa kawali para di ma-overcook, set aside.

3. Then, ilagay na sa kawali ang tomato paste, igisa ng 1 minute. Then, ilagay ang oyster sauce, sprite at timplahan ng asin at paminta pampalasa. Lutuin hanggang sa lumapot ang sauce.

4. Kapag malapot na ang sauce, ibalik na ang hipon. Ilagay na rin ang nilagang sweet corn. Haluin para ma-coat ng sauce ang shrimp at corn. Lutuin pa ng isang minuto.

SERVING SUGGESTION: Nilagyan ko ng toasted garlic at spring onions as garnish. Enjoy!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *