EASY FRUITY JELLY RECIPE

INGREDIENTS:
1 can Fruit Cocktail (836g) (reserve the syrup)
2 cups water
1 sachet gulaman powder (MR.Gulaman 25g)
250ml all-purpose cream
1 can 300ml condensed milk
PROCEDURE:

  1. Salain ang syrup ng fruit cocktail at itabi. Maglagay ng isang layer ng fruit cocktail sa mga llanera or molders. Set aside.
  2. Sa isang kawali or kaserola, ilagay ang syrup ng fruit cocktail at tubig. Saka ilagay ang gulaman powder. Haluin mabuti hanggang sa matunaw ang gulaman powder. lutuin sa medium heat at hayaang kumulo.
  3. Kapag kumukulo na, hinaan ang apoy. saka i-add na ang all purpose cream at condensed milk. Haluin mabuti at hayaang kumulo ulit ng mahina lang.
  4. Kapag nag-soft boil na (yung hindi kulong-kulo, may kaunti lang bula sa gilid ng kaserola) pwede na itong isalin sa mga molders na may fruits. Then, saka palamigin. Ilagay sa ref or chill for at least 2 hours before serving.
    Enjoy!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *